Mga aktibidad ng ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia, simula na

2019-01-29 11:02:21

Kuala Lumpur - Idinaos nitong Linggo, Enero 27, 2019, ng Embahadang Tsino sa Malaysia ang resepsyong pambagong-taon kung saan magkasamang pinasimulan nina Bai Tian, Embahador ng Tsina sa Malaysia, at Marzuki Yahya, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Malaysia ang serye ng aktibidad ng ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Ipinahayag sa resepsyon ni Bai na nitong kalahating siglong nakalipas, natamo ng mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Malaysia ang napakalaking pag-unlad, bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng nasabing serye ng aktibidad, mapapalalim pa ang pagkakaibigang Sino-Malay.

Dumalo sa resepsyon ang mga personahe mula sa iba't-ibang sirkulo ng Malaysia, mga diplomatang dayuhan, mga overseas at ethnic Chinese, at mga kinatawan ng Tsinong mag-aaral sa bansang ito.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino