Ministrong Panlabas ng Tsina, nakipag-usap sa sugo ng pangulo ng Sudan

2019-01-29 11:56:05 CRI

Kinatagpo Enero 28, 2019 sa Beijing ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina si Mohammad Faisal, Sugo ni Pangulong Omar al-Bashir ng Sudan.

Iniabot ni Faisal ang pagbating pangkapistahan ng kanilang pangulo kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinahayag niyang kontrolado ang kalagayan ng Sudan at normal ang pamumuhay ng mga mamamayan ng bansa. Binigyang-diin ni Faisal na ang Tsina ay matalik na kaibigan ng Sudan. Pinasasalamatan aniya niya ang tulong na ibinibigay ng Tsina sa kanyang bansa sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kaunlarang pangkabuhayan.

Ipinahayag ni Wang na patuloy na kakatigan ng Tsina ang pagtahak ng Sudan sa landas na angkop sa pambansang kalagayan. Aniya, suportado ng Tsina ang pagsisikap ng Sudan sa pangangalaga sa katatagan ng bansa, at tutol ito sa pakikialam ng ibang bansa sa mga suliraning panloob ng bansa. Umaasa aniya siyang maisasakatuparan ng Sudan ang pagkakaisa, katatagan at pag-unlad, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Bashir, at ipagpapatuloy ng Tsina ang pagbibigay-tulong sa bansa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino