S&P Global, papasok sa credit rating market ng Tsina

2019-01-29 16:08:09 CRI

Bilang pinakahuling pagsisikap ng Tsina para sa pagbubukas sa labas ng sektor na pinansyal, pinayagan ng bansa ang pagpasok ng S&P Global Inc. sa credit rating market nito.

Ito ang ipinatalastas nitong Lunes, Enero 28, ng People's Bank of China (PBOC), Bangko Sentral ng bansa. Ayon sa patalastas, ang Operations Office ng PBOC ay tumanggap ng pagpapatala ng buong sarilinang aring sangay ng nasabing kompanyang Amerikano na nakabase sa Beijing, samantalang ang National Association of Financial Market Institutional Investors ay tumanggap ng rehistrasyon ng sangay ng S&P Global Inc. para magsagawa ng bond rating business sa inter-bank bond market ng Tsina.

Noong 2018, sampung hakbangin, na gaya ng pagpapahupa sa restriksyon sa pagmamay-ari at pagpasok ng mga kompanyang dayuhan sa mga niche market, ang inilabas ng Tsina para ibayo pang buksan ang sektor pinansyal ng bansa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino