Pulong ng limang bansang may nuklear ayon sa NPT, binuksan sa Beijing

2019-01-30 20:00:15 CRI

Binuksan ngayong araw, Miyerkules, ika-30 ng Enero 2019, sa Beijing ang pulong ng Tsina, Amerika, Rusya, Britanya at Pransya, limang bansang may nuklear ayon sa Treaty on the Non-proliferation of Nuclear Weapons (NPT). Ang mga pangunahing paksa ng pulong ay sumasaklaw sa denuklearisasyon, di-pagpapalaganap ng mga sandatang nuklear, at mapayapang paggamit ng enerhiyang nuklear.

Kaugnay nito, sinabi nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pamamagitan ng pagdaraos ng pulong na ito, ipinakikita ng naturang limang bansa ang mahalaga at positibong signal, na napagtatanto nila ang kasalukuyang mahigpit na mga hamon sa katiwasayang pandaigdig, at nakahanda silang palakasin ang koordinasyon, kontrulin ang pagkakaiba, at magkakasamang harapin ang naturang mga hamon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino