CMG Spring Festival Gala, isasahimpapawid sa Pebrero 4

2019-01-31 16:36:46 CRI

Idinaos ngayong araw, Huwebes, ika-31 ng Enero 2019, sa Beijing ang news briefing hinggil sa China Media Group (CMG) Spring Festival Gala, na isasahimpapawid, live, sa telebisyon sa darating na ika-4 ng Pebrero, bisperas ng Spring Festival o Chinese New Year.

Inilahad sa news briefing ang program list at mga host ng naturang gala. Isinalaysay din ang magagamit na mga bagong teknolohiya at maunlad na kagamitan para sa stage effect, pagsasahimpapawid at paghahatid nito.

Ang CMG Spring Festival Gala ay isang espesyal na variety show para sa Spring Festival. Sa karaniwan, sinisimulan ang gala tuwing alas-8 ng gabi, bisperas ng Spring Festival, at tumatagal hanggang sa araw ng bagong taon. Ito'y bilang panalubong sa okasyong ito. Sa pamamagitan ng live broadcast, isinasahimpapawid ito sa mga TV channel ng CMG, at iniri-relay sa mga pangunahing TV channel sa buong Tsina. Malaki ang bilang ng mga manonood ng programang ito, na umaabot minsan sa 1 bilyon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino