Tsina't Qatar, ibayo pang palalalimin ang estratehikong partnership

2019-02-01 10:43:41 CRI

Kinatagpo nitong Huwebes, Enero 31 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Emir Sheikh Tamim Bin Hamad Al-Thani ng Qatar. Sumang-ayon ang dalawang puno ng estado na ibayo pang palalimin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Nakahanda rin ang magkabilang panig na palawakin ang pagtutulungan sa apat na pangunahing larangan ng enerhiya, imprastruktura, hay-tek, at pamumuhunan, sa ilalim ng magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan.

Tumayong-saksi rin ang dalawang lider sa paglalagda ng serye ng dokumentong pangkooperasyon ng Tsina't Qatar.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino