Kapayapaan at kaunlaran, patuloy na itatampok sa ugnayang panlabas ng Tsina sa bagong taon

2019-02-01 15:42:27 CRI

Ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na sa bagong taon, patuloy na itatampok ang kapayapaan at kaunlaran sa ugnayang panlabas ng bansa.

Winika ito ni Wang sa resepsyon para sa mga sugong dayuhan at mga kinatawan ng iba't ibang organisasyong pandaigdig, bilang pagdiriwang sa nalalapit na Spring Festival o Chinese New Year, na ginanap nitong Huwebes, Enero 31, sa Beijing.

Inulit din ni Wang ang pangako ng Tsina na hindi kailanman magsasagawa ng hegemonismo. Muling ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina na itatag, kasama ng iba't ibang bansa ang bagong uri ng relasyong pandaigdig na nagtatampok sa paggagalangan, katwiran, katarungan, pagtutulungan at win-win result.

Ang Chinese New Year sa taong ito ay matatapat sa Pebrero 5.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino