Pananaliksik ng Tsina hinggil sa quantum communication, nanalo ng Newcomb Cleveland Prize

2019-02-01 17:41:37 CRI

Isang pananaliksik hinggil sa quantum communication na ginawa ng mga siyentistang Tsino ang nanalo ng 2018 Newcomb Cleveland Prize dahil naglatag ito ng pundasyon para sa ultra-secure communication networks sa hinaharap.

Ipinatalastas ng American Association for the Advancement of Science (AAAS) na ang grupong binubuo ng 34 na pisisistang Tsino sa pamumuno ni Pan Jianwei, propesor ng University of Science and Technology of China ay tatanggap sa nasabing premyo sa Pebrero 14.

Si Propesor Pan (gitna), kasama ng siyentistang Tsino (file photo: whb.cn)

Quantum communication ground station sa Xinglong, lalawigang Hebei sa dakong hilaga ng Tsina. (file photo: Xinhua/Jin Liwang, Nobyembre 26,2016)

Ito ang kauna-unahang pagkapanalo ng isang grupong Tsino sa Newcomb Cleveland Prize dahil sa pananaliksik na ginawa sa Tsina.

Ang Newcomb Cleveland Prize, pinakaprestiyosong premyo ng AAAS ay iginagawad sa mga pinakaimpluwensyal na research paper na inilathala sa dyurnal na Science sapul noong 1923.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino