Diyalogong diplomatiko at panseguridad ng Tsina at Hapon, idinaos

2019-02-02 10:43:57

Beijing - Idinaos Biyernes, Pebrero 1, 2019, nina Kong Xuanyou, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Takeo Mori, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Hapon, ang regular na pagsasangguniang diplomatiko at bagong round ng diyalogong panseguridad ng dalawang bansa.

Buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap, natamo ng relasyong Sino-Hapones ang bagong progreso. Anila, ang kasalukuyang taon ay masusing taon para sa relasyon ng dalawang bansa, at dapat samantalahin ng dalawang panig ang pagkakataon upang magkasamang makalikha ng bagong prospek ng relasyong Sino-Hapones. Sinang-ayunan din ng dalawang panig na magkasamang pagplanuhan nang mabuti ang bilateral na pagdadalawan sa mataas na antas, matatag na pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at maayos na hawakan ang mga mahalaga at sensitibong isyu upang mapasulong pa ang sustenable, matatag, at malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Samantala, isinalaysay ng dalawang panig ang kanilang sariling estratehiyang pangkaunlaran at patakarang panseguridad. Bukod dito, matapat at malalim silang nagpalitan din ng kuru-kuro tungkol sa mga isyung kapwa nila pinahahalagahan. Ipinagdiinan nila na may mahalagang responsibilidad ang Tsina at Hapon sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito at buong daigdig, at dapat nilang igiit ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino