Bilang ng mga papasok-lalabas ng hanggahan sa Spring Festival, aabot sa 1.77 milyon kada araw

2019-02-02 11:51:11

Ayon sa pagtaya ng National Immigration Administration ng Tsina, sa panahon ng bakasyon ng 2019 Spring Festival, aabot sa 1.77 milyong person-time kada araw ang bilang ng mga papasok-lalabas ng hanggahan ng bansa. Ito ay mas malaki ng 8.9% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Sasalubungin ng malalaking paliparang gaya ng Beijing Capital International Airport, Shanghai Pudong International Airport, at Guangzhou Baiyun International Airport, ang peak ng mga lumalabas sa hanggahan sa Pebrero 4 at 6, at ang peak naman ng pagpasok sa hanggahan ay Pebrero 9 at 10.

Isinasagawa kamakailan ng nasabing administrasyon ang mga hakbangin upang maigarantiya ang ligtas na pagpasok-labas ng pasahero sa hanggahan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino