2019 Spring Festival Gala ng CMG, papasinayaan

2019-02-03 12:42:19 CRI

Sa mula't mula pa'y ang Spring Festival ng China Central Television (CCTV) ay nagsilbing maringal na piyestang kultural kung saan nagtitipun-tipon ang buong pamilya ng mga mamamayang Tsino.

Ang gaganaping Spring Festival Gala sa kasalukuyang taon ay unang Spring Festival Gala makaraang maitatag ang China Media Group. Ang isang malaking pamilyang binubuo ng maraming matanda at batang alagad ng sining ay magkakasamang magbibigay ng makukulay na palabas para sa mga manonood.

Papasinayaan bukas, Pebrero 4, 2019, ang 2019 Spring Festival Gala. Nabatid na itatampok at ilalarawan ng mga palabas ang napakagandang tanawin ng bansa, pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan, at ipapakita rin ang hakbang ng pag-unlad ng lipunan sa bagong siglo.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino