Pangulong Tsino, bumati ng Manigong Bagong Taon sa lahat ng servicemen

2019-02-03 12:13:07

Pangulong Tsino, bumati ng Manigong Bagong Taon sa lahat ng servicemen

Sa okasyon ng Spring Festival, pinakamahalaga at tradisyonal na kapistahang Tsino, pumunta si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, sa People's Liberation Army (PLA) Beijing Garrison Command upang ipaabot ang kanyang taos-pusong bating pambagong-taon sa mga sundalo at opisyal ng PLA, at armed police, militia and reserve forces.

Pangulong Tsino, bumati ng Manigong Bagong Taon sa lahat ng servicemen

Nitong Sabado ng umaga, Pebrero 2, 2019, bumisita si Xi sa National Flag Guard na nasa isang pinto ng Palace Museum. Sinabi niya na ang flag-raising ceremony at Tian'anmen Square ay solemnang pambansang seremonya. Hinihiling din niya sa mga sundalong tupdin nang mabuti ang kanilang tungkulin at pangalagaan ang dignidad ng pambansang watawat.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino