Resepsyon para sa Pestibal ng Tagsibol, idinaos; Pangulong Xi, binati ang sambayanang Tsino

2019-02-03 19:19:19 CRI

Resepsyon para sa Pestibal ng Tagsibol, idinaos; Pangulong Xi, binati ang sambayanang Tsino

Bilang pagdiriwang sa nalalapit na Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan ng nasyong Tsino, isang resepsyon ang idinaos ng pamahalaang Tsino ngayong Linggo, Enero 3, sa Great Hall of the People sa Beijing.

Sa kanyang talumpati sa resepsyon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa iba't ibang grupong etniko, kababayan mula sa Hong Kong, Macao at Taiwan, at mga overseas Chinese.

Resepsyon para sa Pestibal ng Tagsibol, idinaos; Pangulong Xi, binati ang sambayanang Tsino

Saad ni Xi, “Noong nakaraang taon, marami tayong sinikap at marami rin tayong natamo.”

Ipinahayag ni Xi ang pagbati sa ngalan ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina at Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

Nanunungkulan din si Xi bilang pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino