Presyo ng mga bilihin sa panahon ng Chinese New Year, nananatiling matatag

2019-02-04 15:00:22 CRI

Upang matiyak ang maligayang pagdaraos ng Spring Festival o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan sa kulturang Tsino, hiniling kamakailan ng National Development and Reform Commission (NDRC), pangunahing organo ng pambansang plano ng Tsina, sa iba't ibang pamahalaang lokal na pahigpitin ang superbisyon para mapanatiling matatag ang mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Ipinagdiinan din NDRC ang pangangailangan ng pagbibigay ng sapat na subsidiya sa mga mahirap na mamamayan.

Hiniling din nito sa mga pamahalaang lokal na isagawa kaagad ang mga katugong hakbangin kung maaapektuhan ang presyo ng posibleng pagbabago ng panahon o di-inaasahang pangyayari.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino