Mas maunlad na inang-bayan, hangad ng mga overseas Chinese

2019-02-04 16:05:12

Sa bisperas ng Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan ng nasyong Tsino, nagpahayag ang mga overseas Chinese mula sa iba't ibang lugar ng daigdig ng kani-kanilang pagbati at hangarin para sa mas magandang kinabukasan ng inang-bayan. Nabanggit din nila ang inspirasyong natamo nila mula sa talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa taunang resepsyong pangkapistahan nitong Linggo.

Sinabi ni Liu Kai, Pangalawang Puno ng Promotion of China Re-Unification Society in U.K. na mapapakinggan sa talumpati ni Xi ang pagbati at nagpatibay rin ito ng tiwala ng kanyang kapisanan para sa mas magandang kinabukasan ng inang bayan at relasyong Sino-Britaniko. Sa bagong taon, patuloy na magsisikap ang kanyang kapisanan para rito, dagdag pa ni Liu.

Bilang pagdiriwang sa nalalapit na Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan ng nasyong Tsino, isang resepsyon ang idinaos ng pamahalaang Tsino nitong Linggo, Enero 3, sa Great Hall of the People sa Beijing.

Sa kanyang talumpati sa resepsyon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa iba't ibang grupong etniko, kababayan mula sa Hong Kong, Macao at Taiwan, at mga overseas Chinese.

Pangako ni Pangulong Xi, sa taong 2019, patuloy na pasusulungin ng Tsina ang de kalidad na pag-unlad para walang humpay na mapabuti ang pamumuhay ng sambayanang Tsino.

Dagdag pa ni Xi, pumapasok na ang Tsina sa lipunang tumatanda, kaya, kailangang magsagawa ang bansa ng lahat ng magagawa para mapaginhawa ang pamumuhay ng mga matanda.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino