Unang snow sa Beijing, naganap kagabi

2019-02-07 20:33:27 CRI

Matapos ang pananabik at mahabang paghihintay, nasilayan ng mga taga-Beijing ang unang pagbagsak ng nyebe sa taong ito sa gitna ng pagdiriwang ng Spring Festival o Bagong Taon sa Kalendaryong Tsino.

Bandang ala-9 ng gabi nitong Miyerkules Pebrero 6, 2019, bahagyang bumagsak ang snow sa ilang bahagi ng Beijing partikular sa Yanqing at Huairou.

Batay sa mga ulat ng 10 weather stations sa lunsod, opisyal na ipinahayag ng municipal observatory ang pagdating ng unang nyebe. Ang pagdating ng snow ngayong taon ay mas maaga ng 5 araw kumpara sa opisyal na latest snow sa record na naganap noong taglamig ng 1983-84.

Ayon sa Beijing News, walang paltos, nakakaranas ang Beijing ng snowfall taon-taon mula ng sinimulan ng Beijing ang pagtatala ng ulat panahon noong 1951.

Salin: Mac
Web-edit: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino