Pares na Tsino, kampeon sa pair skating ng Four Continents Figure Skating Championships

2019-02-10 17:18:28 CRI

Sa kompetisyon ng pair skating ng Four Continents Figure Skating Championships, na natapos kahapon, Sabado, ika-9 ng Pebrero 2019, sa Anaheim, California, Amerika, naging kampeon ang pares na Tsino na sina Sui Wenjing at Han Cong.

211.11 ang iskor na kinuha nina Sui at Han, na mas mataas lamang ng 0.06 kaysa iskor ng silver medalist na Kanadyano na sina Kirsten Moore-Towers at Michael Marinaro.

Ang isa pang pares na Tsino na sina Peng Cheng at Jin Yang ay nasa ikatlong puwesto sa naturang kompetisyon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino