Bilang ng mga turista mula sa Mainland na pumasyal sa Hong Kong, lumaki ng 30% bunsod ng Hong Kong-Zhuhai-Macao Bridge

2019-02-11 16:23:03 CRI

Ang kasalukuyang Spring Festival ay unang kapistahan makaraang maisaoperasyon ang Hong Kong-Zhuhai-Macao Bridge at China Railway High-speed Hong Kong Section. Ayon sa datos na inilabas Lunes, Pebrero 11, 2019, ng Departamento ng Imigrasyon ng Pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), bunsod ng pagsasa-operasyon ng nasabing dalawang malaking imprastruktura, lumaki ng 30% ang bilang ng mga turista mula sa Mainland na bumiyahe sa Hong Kong nitong Spring Festival kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Nitong Biyernes, Pebrero 8, 249.2 libong person-time na turista mula sa Mainland ang pumasok sa Hong Kong, na naging pinakamalaking bilang sa nasabing kapistahan.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino