Mga bapor-pandigma ng Amerika, pumasok sa rehiyong pandagat ng Nansha Islands; Tsina, hiniling ang agarang pagtigil ng probokasyon

2019-02-11 18:31:13

Lunes, Pebrero 11, 2019, walang awtorisasyong pumasok sa rehiyong pandagat ng Nansha Islands ang dalawang bapor-pandigma ng Amerika. Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang matinding kawalang kasiyahan at pagtutol dito. Hinimok niya ang panig Amerikano na agarang itigil ang ganitong aksyong probokatibo. Diin niya, patuloy na isasagawa ng panig Tsino ang lahat ng mga kinakailangang hakbangin, para mapangalagaan ang soberanya at katiwasayan ng bansa, at mapanatili ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.

Tinukoy ni Hua na sa kasalukuyan, mapayapa at matatag ang kalagayan ng South China Sea, at tuluy-tuloy itong umuunlad tungo sa magandang direksyon. Aniya, taliwas sa mithiin ng mga mamamayan ang kilos ng panig Amerikano na pumupukaw ng alitan, lumilikha ng maigting na kalagayan, at sumisira sa kapayapaan at katatagan ng nasabing karagatan.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino