Pagpigil ng Amerika sa mga karapatan ng mga bahay-kalakal ng Tsina, di-makatarungan

2019-02-13 11:11:39 CRI

Ipinahayag Pebrero 12, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang tigil na sinisikil ng Amerika ang mga karapatan at interes ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa mga normal na kooperasyong pandaigdig, dahil sa umano'y ilegal na aktibidad ng mga ito at paniniwalang isang banta ang Tsina. Ito aniya'y hindi lamang pagsikil sa katarungan, kundi nakakasira rin sa imahe ng Amerika, bilang isang malaking bansa sa daigdig. Ani Hua, alam ng karamihan sa mga bansa sa daigdig ang tunay na layunin ng Amerika.

Sa isang magkasanib na preskong idinaos kamakailan matapos ang pag-uusap nina Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos at kanyang Hungarian counterpart na si Peter Szijjarto, sinabi ni Pompeo, na kung gagamitin ng Hungary ang mga kasangkapan ng Huawei, ito ay makakasama sa pagtutulungan ng dalawang bansa. Sa kabilang dako, sinabi naman ng panig Hungarian na ang pakikipagtulungan ng Hungary sa Tsina ay hindi makakasama sa partnership sa Amerika.


  • Pagsisikap ng Venezuela sa pangangalaga sa soberanya, suportado ng Tsina
  • Normal na pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina, pinigil ng Amerika
  • Katatagan at kaunlaran ng D.R.Conggo, inaasahang pasusulungin-Tagapagsalitang Tsino

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino