Kampanya ng pagyurak ng ilang bansa sa reputasyon ng Tsina hinggil sa cybersecurity, hiniling ang agarang pagtigil

2019-02-13 14:30:00 CRI

Hinimok Pebrero 12, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang ilang bansa na itigil ang pagyurak sa reputasyon ng Tsina sa isyung may kinalaman sa cybersecurity. Bukod dito, hinimok din ang naturang mga bansa sa itigl ang iba pang pananalita at aktibidad na nakakapinsala sa interes ng Tsina at bilateral na relasyon.

Ipinahayag ito ni Hua bilang tugon sa ilang ulat ng media ng mga bansang kanluranin. Binanggit din ni Hua ang mga pangyayaring gaya ng PRISM Gate Scandal, isyu hinggil sa Equation Group at WannaCry Ransomware Attack, na nagpatunog ng alarma para sa global cybersecurity. Inulit niyang matatag na pinangangalagaan ng Tsina ang cybersecurity sa buong daigdig.

Salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino