Tsina, laging naninindigan sa mapayapang paggagalugad sa outer space—tagapagsalitang Tsino

2019-02-13 15:29:38 CRI

Ipinahayag Pebrero 12, 2019, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na laging naninindigan ang Tsina sa mapayapang paggagalugad sa outer space, at tinututulan ng bansa ang pagweponisa sa outer space o pagkakaroon ng arms race.

Bilang tugon sa ulat na ipinalabas Pebrero 11 ng Defense Intelligence Agency (DIA) ng Amerika, sinabi ni Hua na ang outer space ay komong ari-arian ng buong sangkatauhan, at hindi pagmamay-ari ng isang bansa. Aniya, laging nagsisikap ang Tsina, kasama ng iba pang bansa, para marating ang pandaigdigang dokumentong pambatas para pigilin ang pagweponisa sa outer space o pagkakaroon ng arms race.

salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino