Bagong round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa isyu ng kabuhaya't kalakalan, binuksan sa Beijing

2019-02-14 10:23:58 CRI

Beijing, Tsina—Huwebes ng umaga, Pebrero 14, 2019, magkasamang nangulo sa seremonya ng pagbubukas ng pagsasanggunian ng Tsina at Estados Unidos sa mataas na antas hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan sina Liu He, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangalawang Premyer ng bansa, at puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pangkabuhayan sa Amerika; Robert Lighthizer, United States Trade Representative; at Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorerya ng Amerika. Nakatakdang idaos sa Beijing ang nasabing pagsasanggunian mula ika-14 hanggang ika-15 ng Pebrero.

Salin: Vera


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino