Aksyong pamayapa ng UN, suportado ng Tsina

2019-02-14 10:59:41 CRI

Ipinahayag Pebrero 13, 2019 ni Hua Chunying, Tagpagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mga misyong pamayapa ng United Nations (UN), gumawa ng namumukod na ambag sa pagpapanubalik ng kapayapaan ng mga may-kinalamang bansa't rehiyon ang Tsina. Pinangalagaan din aniya nito ang seguridad ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa iba't-ibang lokalidad.

Kaugnay nito, binuksan sa New York, Punong Himpilan ng UN ang eksibisyong pinamagatang “Hukbong Tsino, Pangangalaga sa Kapayapaang Pandaigdig.” Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Atul Khare, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN na gumaganap ang Tsina ng masusi at tanging papel sa mga aksyon ng pangangalaga sa kapayapapan ng UN.

Hinggil dito, ipinahayag ni Hua ang pagpapahalaga. Sinabi niyang patuloy na magbibigay-suporta at lalahok ang Tsina sa mga misyong pamayapa ng UN. Aniya, nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng ibat-ibang panig para ipagpatuloy ang diwa ng Karta ng UN, at pangalagaan ang kapayapaan at seguridad ng daigdig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino