Katotohanan, batayan sa paglutas sa mga isyung panseguridad-Tagapagsalitang Tsino

2019-02-15 11:15:13 CRI

Ipinahayag Pebrero 14, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang paglutas sa mga isyung panseguridad ay dapat alinsunod sa mga katotohanan. Umaasa aniya siyang igagalang ng ibat-ibang panig ang prinsipyong pampamilihan na pantay at malaya ang kompetisyon at magkasama silang magsisikap para buuin ang pamilihang may pagkakapantay, katarungan, at walang diskriminasyon. Ito ay makakatulong sa malusog na pag-unlad ng mga may-kinalamang industriya, dagdag pa niya.

Sa isang artikulong inilathala kamakailan sa “Financial Times” ni Robert Hannigan, dating puno ng Government Communications Headquarters ng Britanya, sinabi niyang sa kasalukuyan, wala pang ebidensiya bilang tugon sa akusado ng mga bansang kanluranin, na isagawa ang cyber attacks ng kompanyang Huawei ng Tsina. Aniya, hindi dapat mapigilan at tanggihan ng mga bansang kanluranin ang mga produkto at serbisyo mula sa Tsina, isang umuusbong na bansang pansiyensiya at panteknolohiya.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino