Xi Jinping, nakipagtagpo sa U.S. Trade Representative at Treasury Secretary

2019-02-15 20:30:40 CRI

Xi Jinping, nakipagtagpo sa U.S. Trade Representative at Treasury Secretary

Nakipagtagpo ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Pebrero 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kina U.S. Trade Representative Robert Lighthizer at Treasury Secretary Steven Mnuchin, na nandito para sa bagong round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa isyu ng kabuhaya't kalakalan.

Tinukoy ni Xi, na nagkakaroon ang Tsina at Amerika ng malawak na komong interes at mahalagang responsibilidad sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan at pagpapasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng daigdig. Aniya, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa saligang interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at komong hangarin ng komunidad ng daigdig. Sinabi ni Xi, na sa pagtatagpo noong nagdaang Disyembre sa Argentina, narating nila ni Pangulong Donald Trump ng Amerika hinggil sa pagpapasulong sa koordinado, kooperatibo, at matatag na relasyong Sino-Amerikano.

Dagdag ni Xi, pagkaraan nito, isinagawa ng dalawang panig ang ilang round ng pagsasanggunian, para lutasin ang hidwaan sa kabuhaya't kalakalan sa pamamagitan ng kooperasyon. Aniya, nitong nakalipas na dalawang araw sa Beijing, nagtamo ng ilang progreso ang kasalukuyang round ng pagsasanggunian, at sa susunod na linggo, idaraos naman ang bagong round sa Washington DC. Ipinahayag ni Xi ang pag-asang, patuloy na magsisikap ang dalawang panig, para marating ang kasunduang may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.

Ipinahayag naman nina Lighthizer at Mnuchin, na mahalaga ang relasyong pangkalakalan ng Amerika at Tsina, at nagsisikap ngayon ang dalawang panig para ipatupad ang komong palagay ng mga lider. Anila, nitong dalawang araw na nakalipas, tinalakay ng dalawang panig ang mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, at natamo ang bagong progreso sa mga mahalaga at mahirap na isyu. Dagdag nila, sa susunod na yugto, pahihigpitin ng panig Amerikano, kasama ng panig Tsino, ang pag-uugnayan, at pag-iibayuhin ang pagsisikap, para marating ang kasunduan angkop sa interes ng kapwa panig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino