CRI Komentaryo: Pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa kalakalan, nagtamo ng malaking progreso

2019-02-16 12:40:18 CRI

Pagkatapos ng ika-6 na round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa isyu ng kabuhaya't kalakalan, nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-15 ng Pebrero 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kina U.S. Trade Representative Robert Lighthizer at Treasury Secretary Steven Mnuchin, na kalahok sa pagsasanggunian. Ito ang kauna-unahang pakikipagtagpo ni Xi sa mga kinatawang Amerikano sa naturang pagsasanggunian.

Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Xi, na sa mula't mula pa'y umaasa ang panig Tsino na lulutasin ang isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa pamamagitan ng kooperasyon. Dagdag niya, may prinsipyo ang kooperasyong ito, na hindi masisira ang nukleong interes ng Tsina at saligang interes ng mga mamamayang Tsino.

Batay sa nagdaang mga pagsasanggunian mula noong Disyembre, natamo ng kasalukuyang round ng pagsasanggunian ang malaking progreso. Malalim na nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa mga isyung gaya ng paglilipat ng teknolohiya, pangangalaga sa IPR, mga non-tariff barrier, sektor ng serbisyo, agrikultura, pagkabalanse sa kalakalan, at iba pa. Narating nila ang may prinpisyong komong palagay sa mga pangunahing isyu. Tinalakay din ng dalawang panig ang hinggil sa bilateral na memorandum of understanding sa mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan. Ipinakikita nitong, ang pagsasanggunian ay pumasok sa yugto ng pagbuburador ng teksto ng kasunduan.

Higit sa lahat, sinang-ayunan din ng dalawang panig, na patuloy na isasagawa ang pagsasanggunian sa Washington DC sa susunod na linggo. Sa pamamagitan ng pagpapabilis ng iskedyul ng pagsasanggunian, ipinahayag ng kapwa panig ang hangaring magkaroon ng pagkakasundo batay sa taning na itinakda ng mga lider ng dalawang bansa. Nagbibigay ito ng optimistikong signal na may pag-asang mararating sa lalong madaling panahon ng Tsina at Amerika ang kasunduan sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan na may mutuwal na kapakinabangan at win-win result.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino