Panig Amerikano, may maling pag-unawa sa batas ng Tsina-Tagapagsalitang Tsino

2019-02-19 14:41:13 CRI

Ipinahayag Pebrero 18, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi hiniling at hihilingin ng pamahalaan ng Tsina sa mga bahay-kalakal o indibiduwal na isagawa ang pagkolekta ng mga impormasyon. Umaasa aniya siyang hindi magkakaroon ng maling pag-unawa ang panig Amerikano sa mga may-kinalamang batas ng Tsina.

Winika ito ni Geng bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Pangalawang Pangulong Mike Pence at mga opisyal ng Amerika, na alinsunod sa mga may-kinalamang batas, maaaring kunin ng security department ng Tsina sa network ng mga telecommunication enterprises ang kaukulang data.

Hinggil dito, sinabi ni Geng na alinsunod sa National Intelligence Law ng Tsina, hindi lamang itinakda nito ang obligasyon hinggil sa pagbibigay ng lawfully support ng mga organisasyon at indibiduwal sa intelligence service ng bansa, kundi rin ang obligasyon sa pagbibigay-galang at pangangalaga sa lehitimong karapatan at interes ng mga organisasyon at indibiduwal.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino