China-ASEAN Media Exchange Year, binuksan

2019-02-21 12:18:06 CRI

Binuksan Pebrero 20, 2019 sa Beijing ang China-ASEAN Media Exchange Year. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Huang Kungming, Kagawad ng Pulitburo at Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at binasa niya ang mensaheng pambati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Nang araw ring iyon, sa kanyang pakikipagtagpo sa mga kalahok na kinatawan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), tinukoy ni Huang na layon ng pagtitipong ito na palalimin ang pagtutulungan at people-to-people exchanges ng Tsina at ASEAN. Umaasa aniya siyang ipagpapatuloy ng mga media ng dalawang panig ang prinsipyo ng mapagkaibigang konsultasyon, pagkakapantay-pantay, at win-win cooperation para ibayong palawakin ang kanilang pagtutulungan.

Ipinahayag naman ng mga kinatawan ng ASEAN ang pagpapahalaga sa natamong bungang pangkooperasyon sa mga media ng dalawang panig. Umaasa anila silang patuloy pang lalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan para pasulungin ang pagkakaibigan ng dalawang panig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino