Ika-2 summit ng Hilagang Korea at Amerika, inaasahang maalwang idaraos-Tagapagsalitang Tsino

2019-02-21 14:10:01 CRI

Ipinahayag Pebrero, 20, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang maalwang maidaraos ang ika-2 summit ng Hilagang Korea at Amerika, at magtatamo ng resulta para ibayong pasulungin ang denuklearisasyon at pangmatagalang kapayapaan sa Peninsula ng Korea. 

Sa pag-uusap sa telepono kamakailan nina Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea at Pangulong Donald Trump ng Amerika, ipinahayag ni Moon ang pag-asang magiging isang critical turning point ang nasabing summit para marating ang substansyal na lebel sa mga isyung may-kinalaman sa denuklearisasyon, pagpapasulong ng kapayapaan sa peninsula, at ibayong pagpapabuti ng relasyong Hilagang Korea-Amerika.

Ipinahayag naman ni Pangulong Trump ang pag-asang matatamo ang “malaking resulta” sa nasabing summit.

Hinggil dito, ipinahayag ni Geng na palaging ipinalalagay ng Tsina, na ang pagkakaroon ng direktang diyalogo ng Hilagang Korea at Amerika ay nagsisilbing susi ng paglutas sa isyung nuklear sa Peninsula ng Korea. Dagdag pa niya, suportado ng Tsina ang isinasagawang kalutasan ng dalawang panig, sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino