Pagsusog sa mga resolusyon, kailangang isaalang-alang ng UN Security Council-Tagapagsalitang Tsino

2019-02-22 10:46:41 CRI

Ipinahayag Pebrero 21, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyang kalagayan, ipinalalagay ng Tsina na kailangang isaalang-alang ng UN Security Council ang pagsasagawa ng debatehan hinggil sa pagsusog sa mga resolusyon para pasulungin ang pulitikal na paglutas sa mga may-kinalamang isyu.

Winika ito ni Geng bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika hinggil sa pagbawas sa sangsyon sa Hilagang Korea.

Sinabi ni Geng na palaging kinakatigan ng Tsina ang isinasagawang diyalogo ng Hilagang Korea at Amerika, at umaasang maalwang idaraos ang ika-2 summit ng dalawang panig at magtatamo ng positibong resulta.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino