Tsina, pagiibayuhin ang pagtutulungang pansiyensiya at panteknolohiya sa ibat-ibang panig

2019-02-22 10:43:23 CRI

Ipinahayag Pebrero 21, 2019 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang 5G technology ay hindi lamang nagsisilbing resulta ng pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan sa ilalim ng tunguhin ng globalisasyon, kundi resulta rin ng inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya ng komunidad ng daigdig.

Winika ito ni Geng bilang tugon sa debatehan kamakailan hinggil sa partisipasyon ng mga kompanyang Tsino sa 5G network building sa mga may-kinalamang bansa.

Sinabi ni Geng na ipagpapatuloy ng Tsina ang prinsipyo ng wide consultation, joint contribution at shared benefits at magsisikap, kasama ng ibat-ibang panig para samantalahin ang pagkakataong pangkaunlaran na dulot ng bagong round ng scientific at technological revolution, at pahigpitin ang pagtutulungang pansiyensiya at panteknolohiya, na kinabibilangan ng 5G technology.

Bubuksan ang Mobile World Congress sa Barcelona, Espanya sa susunod na linggo, at kasalukyang nananatiling mainit ang mga talakayan hinggil sa 5G technology.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino