5G, komong produkto ng komunidad ng daigdig:patakaran ng iba't ibang bansa dapat batay sa katotohanan -- Tsina

2019-02-27 12:04:31


Ipinahayag, Pebrero 26,2019, sa Beijing, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, ang 5th-Generation Mobile Communication Technology ay produkto ng pagpapalitan at kooperasyon ng iba't ibang bansa sa background ng globalisasyon, at ito rin ay bunga ng inobasyon sa mataas na teknolohiya ng buong komunidad ng daigdig. Ang patakaran aniya ng iba't ibang bansa sa usaping ito ay dapat batay sa katotohanan.


Ayon sa ulat, noong panahon ng Mobile World Congress, sinabi ni Nick Read, Chief Executive Officer ng Vodafone Group ng Britaniya, na ang pagbabawal sa Huawei ay posibleng magdulot ng dalawang taong pagpapaliban sa pagpapalabas ng 5G sa Europa. Aniya pa, ang biglaan at malawakang pagbabago ng pasilidad panteknolohiya ay posibleng grabeng makapinsala sa imprastruktura ng kanyang bansa, at tiyak na magbabayad nang malaki ang mga consumer. Ipinahayag ni Read na ang mga pananalita ng ilang tao kamakailan sa usaping ito ay walang anumang batayan.


Samantala, sa regular na preskon, ipinahayag ni Lu Kang na makatuwiran ang naturang pakikitungo ni Read. Ang “ilang tao” na sinabi niya ay hindi maaaring magkaloob ng sapat na ebidensya, at ito ay susi ng buong insidente.


Ipinahayg din ni Lu na ang pangangalaga sa multilateral na kooperasyon, bukas na kapaligiran ng pamilihan, at makatuwiran at makatarnguang pandaigdigang regulasyon ay angkop sa pundamental na kapakanan ng iba't ibang panig. Nananalig aniya ang Tsinan a isasagawa ng ibang bansa ang tumpak na kapasiyahang angkop sa sariling kapakanan at tunguhin ng panahon.

Salin:Sarah

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino