Hunan, buong sikap na pinapasulong ang makabagong industriya ng paggawa at pagpapahupa ng karalitaan

2019-02-27 16:10:58 CRI

Ang industriya ng paggawa ay tradisyonal na bentahe ng Hunan, lalawigan sa dakong gitna ng Tsina. Upang mapasulong ang modernisasyon ng industriya, marami ang ginawa ng lalawigan.

Saad ni Liu Yuxin, Punong Teknisyan ng Zoomlion Heavy Industry Science &Technology Co., Ltd. na nakabase sa Hunan, aabot sa 467 ang bagong patente ng kompanya, at bunga nito, naisakatuparan ang mass production at nabawasan ang halaga na isinasabalikat ng mga kliyente.

Si Liu Yuxin

Ang pagpapasulong ng modernisasyon ng tradisyonal na industriya ay kahilingan din ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa kanyang pakikipagtalastasan sa mga kinatawan ng delegasyon ng Hunan sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC, punong lehislatura ng Tsina, noong 2016.

Kasabay nito, binago rin ng Hunan ang lumang baseng industriyal sa lalawigan. Dalawang buwan ang nakaraan, pinasarhan ng lalawigan ang 261 bahay-kalakal na kemikal sa lunsod ng Zhuzhou. Layon nitong pigilan ang polusyon sa katugiban . Sa hinaharap, itatampok ng nasabing baseng industriyal ang turismong pangkultura, inobasyong panteknolohiya at makabagong lohistika.

Upang tulungan ang natitirang 19 na mahirap na county na makaalpas sa karalitaan, inilunsad ng Hunan ang pitong proyektong may kinalaman sa paglilipat mula sa bulubunduking lugar, ayudang medikal, paghahanap-buhay sa labas, pagpapasulong ng katutubong industriya, pagpapahalaga ng edukasyon, at iba pa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino