Proposal at mosyon sa taunang sesyong lehislatibo, natupad sa pagpapasulong ng pambansang reporma't kaunlaran

2019-02-28 12:25:51 CRI

Nakatakdang magbukas Marso 5, ang taunang sesyon Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Samantala, magbubukas Marso 3, ang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayong pampulitika ng bansa.

Ayon sa Konseho ng Estado, gabinete ng Tsina, nitong Miyerkules, Pebrero 27, noong 2018, mahigit 10,000 proposal at mosyon mula sa mga kinatawan ng NPC at deputado ng CPPCC ang natupad, kasama ng iba't ibang departamento ng pamahalaan. Ang bilang ay katumbas ng 90% ng kabuuang proposal noong 2018.

Ayon sa gabineteng Tsino, ang naturang mga proposal at mosyon ay nakatulong sa pagpapasulong ng pambansang reporma at kaunlaran.

Halimbawa, bilang pagpapatupad sa mahigit 200 proposal at mosyon na may kinalaman sa adwana, napaginhawa ng Panlahat na Administrasyon ng Adwana ang pag-aangkat at pagluluwas ng bansa. Ayon sa pinakahuling Doing Business Report ng World Bank, tumaas ng 32 baitang ang puwesto ng Tsina sa cross-border trade ranking at sa ngayon, nakahanay ang bansa sa ika-65 na puwesto.

Sa pagpapatupad naman ng mahigit 500 proposal at mosyon na may kinalaman sa kapaligirang pangnegosyo ng Tsina, ayon din sa nasabing ulat ng World Bank, naitala ang Tsina sa ika-46 na puwesto sa lahat ng 190 ekonomiya.

Salamat sa mga proposal at mosyon bilang tugon sa polusyon, napasulong din ang estruktura ng industriya ng bansa at paggamit ng modernong teknolohiya sa paglaban sa polusyon.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino