Pahayag ng Ministri ng Komersyo ng Tsina hinggil sa panel report ng WTO na may kinalaman sa agricultural subsidies ng Tsina

2019-03-01 17:37:19 CRI

Huwebes, Pebrero 28, 2019, local time, inilabas ng World Trade Organization (WTO) ang panel report hinggil sa kaso ng agricultural subsidies na inapela ng Amerika. Kaugnay nito, ipinahayag Biyernes ng kaukulang namamahalang tauhan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na mataimtim na tatasahin ng Tsina ang nasabing panel report, at maayos na hahawakan ito, ayon sa prosedyur ng pagresolba sa alitan ng WTO.

Dagdag ng nasabing namamahalang tauhan, tinanggihan ng grupo ng mga dalubhasa ang apela ng Amerika hinggil sa patakaran sa subsidy sa mais, at winewelkam ito ng panig Tsino. Ikinalulungkot naman aniya ng panig Tsino ang hindi pagsuporta ng grupo ng mga dalubhasa sa paninindigan ng Tsina sa pagkakalkula ng lebel ng subsidy sa pagbili ng trigo at palay sa pinakamababang presyo.

Diin ng nasabing tauhan, ang agrikultura ay pundamental na industriyang may kinalaman sa plano ng estado at pamumuhay ng mga mamamayan, ang pagkakaloob ng pamahalaan ng suporta sa agrikultura ng sariling bansa ay unibersal na kilos ng iba't ibang bansa, at pinahihintulutan ito ng WTO.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino