Tsina, hinahangaan ang pagsasauli ng Amerika ng 361 Chinese looted relics

2019-03-02 15:26:57

Kaugnay ng paglilipat kamakailan ng panig Amerikano ng 361 natagpuang Chinese looted relics sa pamahalaang Tsino, ipinahayag Biyernes, unang araw ng Marso, 2019, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang paghanga ng panig Tsino tungkol dito.

Sinabi ni Lu na ang kooperasyon sa pangangalaga sa mga relikya ay mahalagang bahagi ng kooperasyong pangkultura ng Tsina at Amerika. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano para ibayo pang mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng pangangalaga sa relikya, at makapagbigay ng mas malaking ambag sa pagpapasulong ng proteksyon sa pamanang kultural ng buong mundo.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino