CMG at pamahalaan ng Guangdong, nilagdaan ang kasunduan sa estratehikong kooperasyon

2019-03-03 10:38:44 CRI

Beijing, Tsina—Sabado, Marso 2, 2019, nilagdaan ng China Media Group (CMG) at pamahalaan ng Lalawigang Guangdong ang framework agreement hinggil sa pagpapalalim ng estratehikong kooperasyon.

Ayon sa kasunduan, itatatag ng CMG ang dalawang bagong regional bureau sa Guangzhou—punong himpilan para sa Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area at Guangdong Bureau. Itatayo rin nito ang isang news center para sa Greater Bay Area sa Shenzhen, siyudad sa Guangdong.

Hahanapin ng magkabilang panig ang pagtatatag ng mekanismo ng kooperasyon sa paggawa ng pelikula at TV series, at palalalimin ang kanilang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng 5G new media technologies, 4K ultra-high-definition programming at iba pa.

Si Shen Haixiong, Presidente ng CMG

Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na buong sikap na pinapasulong ng CMG ang pagtatatag ng isang bagong world-class media na may namumunong papel at impluwensiya. Aniya, makikipagtulungan ang CMG sa Lalawigang Guangdong, para sa konstruksyon ng Greater Bay Area.

Si Ma Xingrui, Gobernador ng Lalawigang Guangdong

Sinabi naman ni Ma Xingrui, Gobernador ng Lalawigang Guangdong, na dapat samantalahin ng kapuwa panig ang pagkakataon ng konstruksyon ng Greater Bay Area, at lubos na patingkarin ang sarili nilang bentahe, para itatag ang bagong komprehensibong kayarian ng estratehikong kooperasyon.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino