Konstruksyon ng Belt and Road, nagbunga ng kaunlaran at pag-asa para sa mga kaukulang bansa

2019-03-03 11:41:19 CRI

Ipinahayag Sabado, Marso 2, 2019 sa Beijing ni Guo Weimin, Tagapagsalita ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative noong 2013, aktibong tinugon ito ng iba't ibang panig. Hanggang noong katapusan ng 2018, mahigit 100 bansa at organisasyong pandaigdig ang aktibong sumuporta at sumali sa konstruksyon ng Belt and Road, at nagtamo ng bunga ang isang pangkat ng mga pangunahing proyekto, bagay na nakapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayan sa lokalidad, at mainit na tinatanggap ito ng parami nang paraming bansa sa kahabaan ng Belt and Road.

Konstruksyon ng Belt and Road, nagbunga ng kaunlaran at pag-asa para sa mga kaukulang bansa

Winika ito ni Guo sa unang news briefing ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 CPPCC.

Idaraos sa Beijing sa April ang ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF). Kaugnay nito, saad ni Guo, pasusulungin ng Tsina, kasama ng mga kaukulang bansa, ang konstruksyon ng Belt and Road sa bagong antas.

Salin: Vera


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino