Kasunduan ng Tsina at Amerika na may mutuwal na kapakinabangan at win-win results, makakabuti sa kabuhayang pandaigdig

2019-03-03 12:42:38 CRI

Beijing, Tsina—Idinaos Sabado, Maros 2, 2019 ang unang news briefing ng Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Sinabi ni Guo Weimin, Tagapagsalita ng nasabing sesyon, na sa kasalukuyan, nasa masusing yugto ang relasyong Sino-Amerikano. Aniya, ang pagkakaroon ng Tsina at Amerika ng kasunduang may mutuwal na kapakinabangan at win-win results ay hindi lamang makakabuti sa kapuwa panig, kundi isang magandang impormasyon din para sa kabuhayang pandaigdig.

Nang mabanggit ang katatapos na pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika, sinabi ni Guo na may substensyal na progreso ang kapuwa panig sa mga aspektong gaya ng paglilipat ng teknolohiya, pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip (IPR), Non-Tariff Barriers, industriya ng serbisyo, agrikultura, exchange rate at iba pa. Winewelkam ng mga kagawad ng CPPCC ang natamong positibong progreso ng nasabing pagsasanggunian, at inaasahang mapapalakas ng kapuwa panig ang pag-uugnayan, batay sa mga simulain at direksyon na tiniyak ng mga lider ng dalawang bansa, at magkasamang mapapabuti ang mga gawain sa susunod na hakbang, dagdag ni Guo.

Slain: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino