Xinjiang, buong sikap na lumilikha ng bagong imahe

2019-03-03 16:44:06 CRI

Sa pagsusuri ng delegasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina sa panahon ng mga taunang sesyon ng Pambansang Kongreso Bayan (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) noong 2017, ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat gawing pokus ang pangkalahatang target ng pagsasakatuparan ng pangmatalagang kapayapaan at katatagan ng lipunan, masigasig na itatag ang bagong Xinjiang na may pagkakaisa, harmonya, kasaganaan, sibilisasyon, at kaligayaan.

Noong 2017, ipinadala ng Xinjiang ang 1.12 milyong kadre at tauhan sa mga mahirap na nayon, para ipatupad ang mga patakarang preperensiyal sa mga mamamayan, at tulungan ang mga mamamayan na makahulagpos sa kahirapan.

Kasabay ng buong sikap na pagpawi sa kahirapan, pinahahalagahan din ng Xinjiang ang de-kalidad na pag-unlad. Pinag-ibayo ng rehiyon ang pagpigil sa polusyon at pagsupil sa desertipikasyon, para itatag ang magandang Xinjiang na may asul na langit, luntiang lupa at malinis na tubig.

Sa panahon ng bakasyon ng Spring Festival o Chinese New Year sa taong ito, nakatanggap ang Xinjiang ng mahigit 3 milyong person-time na turista. Pinakamataas sa kasaysayan ang datos na ito.

Target ng Xinjiang sa taong 2019 na igarantiyang makahulagpos sa kahirapan ang 12 county, at ma-i-ahon ang 606,100 mamamayan mula sa kahirapan.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino