Taunang sesyon ng punong tagapayong organong pampulitika, binuksan

2019-03-03 16:45:18 CRI

Linggo ng hapon, Marso 3, 2019, binuksan sa Beijing ang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong tagapayong organong pampulitika ng Tsina. Kalahok dito ang mga lider ng partido at bansa na kinabibilangan ni Pangulong Xi Jinping.

Taunang sesyon ng punong tagapayong organong pampulitika, binuksan

Sa kanyang work report sa ngalan ng Pirmihang Lupon ng CPPCC, ipinagdiinan ni Wang Yang, Tagapangulo ng CPPCC, na masusing masusi ang taong 2019 para sa komprehensibong pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan. Dapat aniyang lubos na patingkarin ng CPPCC ang papel bilang organong tagapayo, bigyang-pokus ang "tatlong pangunahing misyon" ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan, na kinabibilangan ng pagpigil at pagresolba sa mga panganib, pagsasagawa ng tamang-tamang hakbangin sa pagpawi sa kahirapan, at pagpigil at pagsasaayos sa polusyon, at isabalikat ang tungkulin sa konsultasyong pampulitika, demokratikong pagsusuperbisa, at pagsali't pagtalakay ng mga suliraning pulitikal.

Mahigit 2,100 kagawad mula sa iba't ibang partido, organisasyon, nasyonalidad at sirkulo ng bansa ang lumalahok sa nasabing 11-araw na sesyon. Bibigyan nila ng kuru-kuro't mungkahi ang mga patakarang may kinalaman sa reporma at pag-unlad ng Tsina.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino