Chang'e-5 lunar mission ng Tsina, ilulunsad sa katapusan ng 2019

2019-03-03 17:00:11 CRI

Nakatakdang ilunsad ng Tsina ang Chang'e 5 lunar sample return mission sa katapusan ng taong 2019. Ito ang ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Wu Weiren, Punong Arkitekto ng Lunar Exploration Program ng Tsina, sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag.

Dagdag ni Wu, nananatiling maalwan ang nasabing programa ng Tsina, at ilalabas sa loob at labas ng bansa, sa malapit na hinaharap ang mga pinakahuling datos na siyentipiko ng programa.

Si Wu ay nagsisilbi ring kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong tagapayong organong pampulitika ng Tsina. Binuksan ngayong hapon sa Beijing ang taunang sesyon ng CPPCC.

Salin: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino