Chongqing, nagpupunyagi para sa sustenableng pag-unlad

2019-03-04 11:51:02 CRI

Sa kanyang pagdalo sa pagsusuri ng delegasyon ng Chongqing sa Dalawang Sesyon noong Marso 10, 2018, ipinahayag ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang pag-asang magkakaisa at puspusang mapapabilis ng mga kadre at mamamayan ng Chongqing ang konstruksyon ng Chongqing tungo sa isang magandang lugar. Nitong taong nakalipas, mataimtim na isinasakatuparan ng mga kadre sa iba't-ibang lebel ng Chongqing ang mga kahilingan ni Xi, at natamo ang mga kapansin-pansing bunga.

Kaugnay ng mga problema sa pag-unlad ng Chongqing, buong sikap na tinutupad ng mga kadre ng lunsod ang mga kahilingan ni Xi. Dahil dito, nalutas ang nakakaraming problema at tumaas nang malaki ang lebel ng kasiyahan ng mga mamamayang lokal.

Bukod dito, nitong isang taong nakalipas, walang humpay na pinabubuti ng mga kadre ng Chongqing ang ekolohiyang pulitikal na nagkakaloob ng mainam na kapaligirang pangnegosyo para sa mga bahay-kalakal. Bunga nito, sinalubong ng Chongqing ang pag-unlad ng kabuhayan sa mataas na kalidad. Noong isang taon, lumampas sa dalawang trilyong RMB ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob ng Chongqing.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino