Embahador ng Pilipinas sa Tsina: Pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Ika-2 BRF for International Cooperation, panibagong landmark sa ugnayang Sino-Pilipino

2019-03-07 11:15:44 CRI

Si Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina

Beijing – Sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino, China Media Group kay Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, sinabi niyang dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Ikalawang Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation na idaraos sa Tsina.

Sa panahon ng porum, sinabi ng embahador na ihahayag ni Pangulong Duterte ang kanyang mga pananaw hinggil sa Belt and Road Initiative (BRI), paano nito ma-i-po-promote ang rehiyonal at pandaigdigang pag-unlad ng ekonomiya, at makikipagpalitan ng kuru-kuro kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Ang natakdang pagdalaw muli ni Pangulong Duterte sa Tsina ay isa na namang panibagong landmark at mahalagang pagsulong sa pag-unlad ng bilateral na relasyon ng Pilipinas at Tsina, anang embahador.

Umaasa si Sta. Romana, na sa pagdalo ni Pangulong Duterte sa Ikalawang (BRF) for International Cooperation, malalagdaan ng Pilipinas at Tsina ang mas marami pang kasunduan sa larangan ng siyensiya't teknolohiya, ekonomiya, at marami pang iba.

"Pagka nagkakaroon ng ganyang pagkakataon, nagkakaroon din ng pagkakataon ang dalawang gobyerno na lalo pang magkonsultahan at pag-usapan kung ano pang larangan ang puwedeng pahusayin pa," dagdag ni Sta. Romana.

Ulat: Rhio
Photographer: Lito
Web Editor: Lito

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino