Tsina, isasabalikat ang mas maraming responsibilidad na pandaigdig

2019-03-08 12:42:22 CRI

Ipinangako ng Tsina na isabalikat ang mas maraming responsibilidad na pandaigdig, batay sa pambansang patakarang panlabas sa bagong panahon.

Ito ang winika ngayong umaga ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa preskon ng idinaraos na ikalawang taunang sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng bansa.

Ipinagdiinan ni Wang ang pumapatnubay na katayuan ng kaisipan ni Xi Jinping hinggil sa diplomasya sa pakikipag-ugnayang panlabas ng Tsina sa bagong panahon.

Inulit din ni Wang ang pananangan ng Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, pagpapatupad sa ideya ng pagtutulungan at win-win na resulta, at pangangalaga sa kasalukuyang kaayusang pandaigdig. Ani Wang, layon ng ang diplomasya ng Tsina na lumikha ng magandang kapaligirang panlabas para sa pambansang pag-ahon at magbigay ng mas maraming ambag para sa kapayapaan ng daigdig at kasaganaan ng mundo.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino