Wang Yi: dapat pasulungin ang matatag at pangkooperasyong relasyong Sino-Amerikano

2019-03-08 13:15:34

Sa preskon ngayong araw na ng idinaoraos na Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ipinahayag ni Wang Yi , Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at Ministrong Panlabas ng Tsina na ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika ay isang mahalagang taon ng paglalagom ng nakaraan at pagpaplano ng kinabukasan para sa kapuwang dalawang bansa. Sa hinaharap, malinaw ang landas ng dalawang panig, at ito'y magkakasamang pagpapasulong ng matatag at pangkooperasyong relasyong Sino-Amerikano. Ito ani wang ang mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at Amerika.

Ipinahayag din ni Wang Yi na nitong 40 taong nakalipas, natamo ng relasyong Sino-Amerikano ang progresong pangkasaysayan, kasabay nito, kinakaharap rin nito ang bagong hamon. Ang kooperasyon ay angkop sa komong kapakanan ng kapuwa Tsina at Amerika, at ito rin ay responsibilidad ng dalawang bansa sa buong daigdig.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino