Wang Yi: Ikalawang Belt and Road Forum for International Cooperation, pinakamahalagang pandaigdigang pulong ng Tsina sa taong ito

2019-03-08 13:57:50


Sa preskon ngayong araw na ng idinaoraos na Ika-2 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ipinahayag ni Wang Yi , Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at Ministrong Panlabas ng Tsina na idaraos sa susunod na buwan dito sa Beijing ang Ikalawang Belt and Road Forum for International Cooperation. Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay lalahok sa seremoniya ng pagbubukas ng naturang porum, at magpapalabas ng keynote speech. Mangungulo rin siya ng Leaders' Roundtable. Ito ay pinakamahalagang pandaigdigang pulong na pangungunahan ng Tsina sa taong ito. 


Sinabi rin ni Wang Yi na lalahok sa naturang porum ang ilan libong kinatawan mula sa mahigit 100 bansa. Isinalaysay ni Wang na ang nukleong elemento ng porum ay pagpapasulong ng pagpapaunlad ng Belt and Road Initiative o BRI sa mataas na kalidad.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino