JCPOA, patuloy na pangangalagaan ng Tsina at komunidad ng daigdig-Tagapagsalitang Tsino

2019-03-08 14:26:58 CRI

Ipinahayag Marso 7, 2019 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng ibat-ibang panig para pangalagaan at isakatuparan ang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), o Iran nuclear deal.

Winika ito ni Lu bilang tugon sa pulong ng joint commission ng JCPOA na binuksan Marso 6 sa Vienna.

Sinabi ni Lu na ang pinakamahalagang target ng naturang pagtitipon ay para palakasin ang political momentum at balangkasin ang susunod na hakbang. Aniya, pinahahalagahan ng mga kalahok ang pagsisikap ng Iran sa pagpapatuloy ng nuclear obligations na itinakda ng JCPOA, at isinagawang pagmo-monitor at pagsisiyasat ng IAEA, sa pamamagitan ng neutral at profesyonal na paraan.

Sinabi ni Lu na inulit ng mga kalahok na patuloy na pangangalagaan ang JCPOA, sisikaping isakatuparan ang bungang natamo ng dalawang foreign ministers' meeting, tatalakayin ang pagbalangkas ng mga pragmatikong hakbang, at ipagpapatuloy ang pakikipagtulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Iran.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino