Diyalogong pulitikal, tanging paraang lulutas sa isyu ng Peninsula ng Korea-Tagapagsalitang Tsino

2019-03-08 14:25:22 CRI

Ipinahayag Marso 7, 2019 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na positibo ang Tsina sa mapayapang paglutas sa isyu ng Peninsula ng Korea, sa pamamagitan ng diyalogo, at ito ay tanging paraan para rito.

Sinabi ni Lu na matapos mag-usap ang mga lider ng US at DPRK sa Hanoi, kapuwa ipinahayag ng dalawang panig ang mithiing ipagpapatuloy ang diyalogo. Umaasa aniya siyang isasakatuparan ng dalawang panig ang naturang mithiin, sa pamamagitan ng mga kongkretong aksyon.

Sinabi ni Lu na hindi malulutas ang isyu ng Peninsula ng Korea, sa pamamagitan ng isang araw na pagsisikap. Aniya, ang susi nito ay ang pagbibigay-galang sa pagkabahala ng ibat-ibang panig, pagpapalakas ng pagtitiwalaan, at pagpapalawak ng komong palagay, para isakatuparan ang kalutasang pulitikal ng isyu at pangmatagalang kapayapaan ng peninsula. Aniya, ilang mungkahi ang ibinigay ng Tsina para lutasin ang naturang isyu, at umaasang isasaalang-alang ito ng mga may-kinamalamg panig.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino